^

Dr. Love

In love sa magkapatid

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po Dr. Love. Sana ay abutan ka ng sulat ko na nasa good health.

Tawagin mo na lang akong Jessie, 20 anyos. May girlfriend po ako. Tawagin mo na lang siyang Beth. Magkakalahating taon na ang relasyon namin.

Madalas niyang maikuwento sa akin ang tungkol sa older sister niyang nag-aaral sa Amerika na si Zen.

Dumating kamakailan sa Pilipinas si Zen at nang ipakilala siya sa akin ng girlfriend ko, biglang tumibok ang aking puso lalo na nang ngumiti siya sa akin.

Nagkalapit din kami ni Zen at may pakiramdam akong may gusto rin siya sa akin.  Natutukso akong ligawan siya dahil alam kong makukuha ko siya at naghihintay lang na makapagtapat ako sa kanya.

Pero naiisip ko rin si Beth na mahal na mahal ko rin. Ano ba itong nadarama ko? Tulungan mo ako.

Jessie

 

Dear Jessie,

Ano ka ba, pag-aawayin mo pa ang magkapatid? Iyan ang huwag mong gagawin. Si Beth ang girlfriend mo at ang ano mang nadarama mo kay Zen ay ibasura mo dahil hindi makakabuti.

Attracted ka lang siguro sa kapatid ni Beth dahil maganda at mabait sa iyo. Huwag mong pagkamalang nagkakagusto siya sa iyo. Malamang, napupusuan ka lang niya para sa kanyang kapatid.

At kung totoo man ang sapantaha mo na may gusto rin siya sa iyo, huwag mo na lang ituloy ang balak mong ligawan siya dahil hindi mabuting gawain iyan.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with