^

Dr. Love

Dilemma ang OOTD

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nahihiya na ako sa girlfriend ko kaya minabuti kong sumulat at hingin ang inyong payo. Fee­l­­ing ko naaalangan na siya sa isinusuot kong outfit-of-the-day.

Mahilig naman ako sa fashion at bumibili ng mga usong damit, pero madalas hindi ako komportableng isuot. Hindi rin ako sanay mag-black shoes, kaya madalas naka-rubber shoes ako kahit nakapolo.

Mabanggit ko na rin po na idol ko si Coco Martin kaya naman mahilig din akong mag-jacket, kahit mainit.

Sa maraming lakad namin ng girlfriend ko o kahit na ang mga mahahalagang dates namin, kung ano na lang ang maisuot ko, okey na.

Pero minsan nang magpunta kami sa debut  ng friend niya…kontodo make up at nakasuot pa naman ng mamahaling gown ang girlfriend ko, habang ako ay nag-polong puti lang. Dyahe, dahil napagkamalan akong waiter. Kinimkim ko ‘yun sa sarili, nakakahiya.

Nasundan pa ang mga ganitong eksena, tulad ng pagsuot ko ng medyas na red.  Kaya please, Dr. Love payuhan mo naman ako kung paano ang tamang porma na hindi alangan sa beauty ng girlfriend ko. Ayokong tawagin nila akong baduy.

Rafael

 

Dear Rafael,

Ang maganda mong gawin ay bigyan ng panahon ang pagsusukat at pamimili para ma-achieve ang bagay at komportableng outfit-of-the-day. Sa palagay ko makakatulong kung maio-open mo ang tungkol dito sa’yong girlfriend para masuportahan ka niya, lalo na ang pagtutugma ng iyong OOTD sa okasyong pupuntahan ninyo, nang sa gayon na maiwasan na maalangan siya sa’yo at hindi na madagdagan ang emabrasssing moment mo. Narinig mo na ba ang tungkol sa power of dressing… ‘yun ‘yung suot mo pa lang, ang lakas na ng dating.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with