^

Dr. Love

Si best friend ang type ng nililigawan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Baste. Best friend ko si Ren. Kaya lahat ng sikreto ko ay alam niya. Wala na akong maililihim sa kanya.

Kaya kung malungkot ako o kaya masaya, alam din niya. Lalo na kapag wala akong allowance. Kitang-kita raw niya sa mukha ko.

Para nga raw kaming kambal dahil lagi kaming magkasama.  Hindi kami magkamukha medyo, lamang siya sa akin ng isang paligo. Aaminin ko na mas mahusay siyang dumiskarte pagdating sa ligawan.

Lagi akong humihingi ng payo sa kanya. Marami rin akong natututunan sa kanya.

Ang kaso nagkagusto ako sa isang babae, si Pauleen. Nagpasama ako sa kanya para manligaw. Napansin ko na mas kinakausap si Ren ni Pauleen. Pero ok din naman kasi nga mahina ang loob kong manligaw.  Nagdala kami ng mangga at cake sa bahay nila. ‘Yung mangga para raw sa nanay at mga kamag-anak  ni Pauleen, at ang cake para sa amin habang nanliligaw ako.

Nakailang dalaw din kami ni Ren sa kanila.  Minsan nga may nakasabay pa kaming ibang manliligaw ni Pauleen. Asar-talo kami kasi, ang bigay lang namin ay isang box ng hopia habang ‘yun karibal ko ay malaking cake. Hayun, kami ang umubos ng cake na dala niya.

Ang problema Dr. Love parang tama ang kutob ko, kay Ren may amats si Pauleen. Parang naa-out of place na ako sa biruan nila at halakhakan. Ewan, biglang tumabang at tumamlay ang feelings ko kapag magkasama kaming dumadalaw kay Pauleen.

Ang matindi pa nang tanungin ko si Pauleen, mas gusto raw niya si Ren. Dr Love. Medyo seryoso na yata ang amats ko kay Pauleen.  Pati ang best friend ko nadadamay na. Sana mabigyan po ninyo ako ng magandang advice bago lumala ang insecurity ko kay Ren at Pauleen.

Baste

Dear Baste,

Ikaw naman, masyado kang pinanghihinaan ng loob. Tapatin mo si Ren sa sitwasyon ninyo. Huwag mo itong ilihim sa kanya para alam ni Ren kung kailan siya dapat dumistansiya kay Pauleen. Baka naman sinusubukan ka lang ni Pauleen kung gaano katatag ang paninindigan mo para sa kanya. Kung sakaling si Ren nga ang gusto ni Pauleen,  ihanda mo ang iyong sarili para matanggap mo nang maluwag ang totoo. Huwag mong sirain ang matagal na ninyong pinagsamahan ng best friend mo dahil lang sa isang babae. Kung magkagayun, isama mo na lang sa mga lesson na natutunan mo ang experience ninyo kay Pauleen.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with