^

Dr. Love

Pangako Sa Diyos

Pilipino Star Ngayon
Pangako  Sa Diyos

Dear Dr. Love,

Mapagpalang araw ang pagbati ko sa inyo. Tawagin na lang ninyo akong Roselyn, 30 anyos at sa gulang kong ito ay isa nang biyuda.

Isa akong born again Christian at active sa aking music ministry. Apat na taon na nang mamatay ang mister ko na isang pastor sa ­aming local church.

Mula noon ay nangako ako sa Panginoon na ilalaan ko ang aking sarili sa paglilingkod sa kanya at magagawa ko ito sa pamamagitan ng hindi na pag-aasawang muli.

Personal vow ko ito sa Panginoon at ayaw kong sirain. Pero may isa akong manliligaw ngayon. May feelings din ako para sa kanya at minsan ay natutukso akong talikuran ang aking sinumpaan sa Panginoon. Christian din siya at member ng aming church, bata siya ng isang taon sa akin.

Nasabi ko na sa kanya na may sinumpaan ako sa Diyos na hindi na ako mag-aasawa at iginalang naman niya ang pasya ko.

Dr. Love, kasalanan bang talikuran ang isang vow sa Panginoon?

Roselyn

 

Dear Roselyn,

Malaya ka marahil na makapag-asawang muli kung wala kang sinumpaan sa Panginoong Diyos. Ngunit ikaw ay may personal covenant sa Kanya. Kung sisira ka sa sinumpaan mo, lalabas na mas pinapahalagahan mo ang tawag ng iyong puso kaysa sa Diyos na iyong pinaglilingkuran.

Ang maipapayo ko sa iyo ay maging prayerful ka sa katanungang iyan at hingin mong mangusap sa iyo ang Diyos. Saliksikin mo ang kanyang Salita at doon ka humingi ng katugunan.

Pero kung ako ang nasa katayuan mo, hindi ko babaliin ang naipangako ko na sa Diyos dahil ang Diyos kailanman ay hindi sumisira sa pangako.

Huwag mong kalimutan na laging dapat mauna ang Diyos sa ating buhay bago ang pansarili nating kagustuhan.

Dr. Love

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with