^

Dr. Love

Gustong i-give up muna ang relasyon

Pilipino Star Ngayon
Gustong i-give up muna ang relasyon

Dear Dr. Love,

Ako po si Lito, kakasagot lang sa akin ng girlfriend ko. Talagang naghintay at nagtiyaga ako para maging kami. Mabait si Mary Ann, nag-aalangan siyang sagutin ako noon dahil nga magkalayo ang aming tirahan. Nakatira ako sa Monumento at siya naman ay sa Cavite. Naging mag­klasmeyts kami sa Logic at sa ibang minor subjects namin.

 Noong nanliligaw pa lang ako sa kanya, ok lang sa akin na ihatid siya nang halos araw-araw sa kanilang bahay. Kasi nga gusto kong magkasama kami at matapos ang maghapon ko sa kanya.

Pareho kaming iskolar ni Mary Ann. Bilang student assistant, kailangan kong mag-aral nang mabuti para mai-maintain ang grades ko. Ito rin ang dahilan kung bakit nabighani ang puso ko sa kanya. Dahil kahit malayo ang kanyang inuuwian, nakukuha pa ni Mary Ann ang makapasa sa mga exam namin.

Tahimik at madali siyang patawanin. Kahit sa simpleng ice cream lang, masaya na siya.

Pero Dr. Love parang habang tumatagal kami, nahihirapan na akong i-manage ang relationship namin, ang duty namin sa office at ang pag-aaral. Dahil nga kapag galing ako sa kanila sa Cavite, halos gabing-gabi na ako nakakauwi. Nauubos ang oras ko para makapag-aral pa sa bahay.

Tapos kinabukasan, ang hirap mag-abang ng LRT dahil sa haba ng pila. Gusto ko pa sanang makabawi ng tulog pero kailangan maaga akong gumising at magmadali para hindi abutin ng dagsa ng mga tao.

Hindi naman ako nagsisisi kung bakit sa malayo nakatira ang naging girlfriend ko. Ayaw ko rin namang mapabayaan ang duty at scholarship ko. Mahal ko si Mary Ann, kaso gusto ko muna sanang i-give up ang relationship namin. Para talagang makapag-focus ako sa pag-aaral. Ang totoo Dr. Love, may isang bagsak na subject ako sa Economics, isa sa mga terror na professor dito sa aming university.  Hindi naman ito dahil sa relationship namin, talagang mababa lang magbigay ang makunat na prof. na ‘yun. Ngayon po probationary ako. Kapag may bagsak pa ako, mayayari ang scholarship ko. Mahal ko si Mary Ann kaso sa ngayon medyo hirap ako pagsabayin ang pag-aaral ko at ang relationship namin. Sana po matulungan ninyo ako, Dr. Love.

Lito

Dear Lito,

Ang pakikipagrelasyon ay dapat na nagdudulot ng positibong bagay sa dalawang nagmamahalan. Kung pinagmumulan ito ng problema, maaaring hindi nagi­ging balanse. Ang mainam ay pag-usapan ninyo ni Mary Ann ang nagiging estado mo sa iyong pag-aaral at ang sirkumtansiyang kalakip nito, gaya nang maaaring pagkawala ng iyong scholarship. At mula roon ay mag-isip kayo ng adjustment, sakaling hindi mag-workout, marahil kailangan muna ng break up para pareho kayong makapag-concentrate sa inyong pag-aaral. Tutal naman, kung kayo ay magiging kayo pa rin anuman ang mangyari.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with