^

Dr. Love

Sablay sa babae

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay masugid ninyong tagasubaybay, marami po akong natututunan sa mga payo ninyo. Tawagin na lang ninyo akong Larry. 

Kasi po parang may balat ako sa puwet, may kasamang kamalasan lalo na sa larangan ng pag-ibig. Ilang babae na ang niligawan ko pero sablay lagi.

Grade six pa lang, nagka –crush na ko sa klasmeyt kong si Adoracion. Maganda siya kaya naman lagi akong kinakabahan kapag nakikita ko siya. Minsan  pagkabili ko ng sandwhich at buko ay nadulas ako at natapunan ng buko. Ay naku! Napahiya ako kay Adoracion. Nagtawanan lahat sila sa akin. Kung saan-saan daw kasi ako nakatingin at laging lutang ang isip.

Second year high school nanligaw ako kay Chona, kaso nagkaroon ako ng karibal, ang japorms na si Allan. Tinugtugan niya ng gitara at kinantahan si Chona habang ako ay nganga dahil parehong hindi ako marunong maggitara at kumanta ng love song.

Dahil sa mga sablay ko ay nawawalan na ako ng lakas ng loob lumapit sa babae. Mabuti na lang at pinalalakas ng kaibigan kong si Natz ang loob ko. Sa aming JS Prom, ang sabi niya ay gayahin ko lang siya. Kaya nang isayaw niya si klasmeyt niyang si Ana, sinayaw ko rin ang crush kong si Lenny.

Habang nagsasayaw ay naririnig kong nililigawan na ni Natz si Ana, kaya ganon din ang ginawa ko. At ang huli ay nagsabi si Natz ng I Love You, ginaya ko rin. Pero sa halip na matamis na ngiti ay tinarayan ako ni Lenny, napaka-presko ko raw. 

Ngayon namang college na ako, naka-close ko ang klasmeyt kong si Dina. Ok na sana pero nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Nang minsang magkikita sana kami sa San Roque church, hindi naging malinaw na sa Blumentritt, eh sa Caloocan siya naghintay at dahil ilang oras na ay hindi pa kami nagkikita, nabuwisit na siya at umuwi na lang. Pinatawad naman niya ako kaya lang nasundan uli ang sablay ko. Hindi ko na naman siya nasipot sa usapan namin. Dahil ang dyip na sinakyan ko ay binuhusan ng mabahong tubig, kaya hindi ko na nagawang tumuloy. Hanggang ngayon, hindi niya ako tiniteks. Sablay na naman, Dr. Love.

Parang ayaw ko na tuloy manligaw. Ano po kaya ang maganda kong gawin sa buhay ko, gusto ko ring magka-girlfriend.

Larry

Dear Larry,

Tanggalin mo sa isip mo na laging kang palpak o sablay. Kung lagi kang naka-focus sa kapalpakan mo ay talagang wala kang magiging girlfriend n’yan. Tandaan mo ang mga naging kapalpakan mo at huwag mo nang uulitin pa ang mga ito. Simulan mo sa pagiging maagap sa anumang situwasyon at huwag na huwag kang susuko. Mas magiging madali kung hindi mo ikukumpara sa iba ang iyong sarili…just be yourself and always be happy kahit minsan may nangyayaring hindi mo inaasahan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with