In-love sa among balo
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2017 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi maganda ang naging karanasan ko sa pakikipagrelasyon. Bagaman nagkaanak kami ay nauwi pa rin sa hiwalayan dahil hindi rin maganda ang turing sa akin ng pamilya ng kinasama ko.

Labin-pitong taong gulang lang ako nang itanan nang noo’y 21 anyos na si Roger. Graduate na siya habang ako ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Ang alam ko lang noon ay mahal ko siya, kaya hindi ko pinakinggan ang mga pangaral sa akin nina uncle at auntie. Sila na ang tumayong magulang ko mula nang maulila.

Dahil wala kaming kahandaan sa buhay, ang panganganak ko ay pinasan ng mga magulang niya pero ang naging kapalit nito ay pagtatrabaho sa kanilang parlor. Agad nila kaming pinaglayo ni Roger para raw maiwasan ang pagsisiping ay muling pagbubuntis nang wala sa plano.

Tumagal ng limang taon ang ganitong sitwasyon namin, limang taon na rin ang aming anak malapit nang mag-aral. Walang paramdam si Roger kaya nagpasya na akong tawagan siya.

Ang pag-uusap namin ay nauwi sa paglilibak niya na hindi raw ako makapaghintay kung aalukin niya ako ng kasal. Noon din ay umalis kami ng anak ko sa poder ng pamilya niya.

Bumalik ako kina auncle at auntie. Sila ang tumulong sa akin para makahanap ng mapapasukan at makapagsimulang muli.

Namamasukan ako bilang yaya ng batang anak ng isang engineer. Balo ang amo ko at sa maiksing panahon ay nagkapalagayan kami ng loob. Ang dating malungkot nilang buhay ay naging masigla, magkasundo ang mga anak namin at dama ko na espesyal ang trato niya sa aming mag-ina.

Ipinagtapat ko ito kay auntie at pinayuhan niya ako na iwasan ang umibig nang walang katiyakan para hindi dumanas ng sama ng loob.

Ano ang gagawin ko, dapat ko bang supilin ang feelings ko para sa amo ko? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Lovely Rose

Dear Lovely Rose,

Dapat mong pakinggan ang payo ng auntie mo. Sa ikalawang pagkakataon na magkaroon ka ng feelings ay maging matalino ka na ngayon. Suriin mong mabuti ang damdamin mo, lalo na ang may katugunan na pakiramdam sa’yo ng amo mo. Baka naman maling akala lang ‘yan.

Pero kung makukumpirma mo, wala ako nakikitang masama para magkatuluyan kayo. Dahil bagaman may anak ka sa unang relasyon ay hindi naman kayo kasal at ang amo mo naman ay balo na.

DR. LOVE

LOVE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.