^

Dr. Love

Matapobre

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr, Love,

I pray that you are in the best shape as you read my letter. Just call me Simeon, 24 anyos.  Nanligaw ako kay Brenda, isang anak mayaman. Hindi ko siya niligawan dahil target ko ang kanyang kayamanan, kundi talagang may feelings ako para sa kanya.

Feeling ko napalitan nang pagkagalit ang damdamin ko para sa kanya dahil sa pandudusta niya sa akin.  Buong akala ko, mauunawaan niya ang damdamin ko kahit hindi niya tanggapin ang pagmamahal ko sa kanya.

Sa una ay naging magkaibigan kami, mabait siyang makitungo at nang medyo matagal na, at inaakala kong papasa ako sa kanya, nagsimula na akong manligaw. Dito nalantad ang tunay niyang masamang ugali at pagkatao na naging dahilan para kasuklaman ko siya.

Malaking  kahihiyan ang dinanas ko nang ligawan siya, tahasan niyang sinabi sa harapan ko, na hindi kami bagay. Kesyo oportunista raw ako at inabuso ko ang pagpapakita niya ng mabuti sa akin. Dapat daw na humanap ako ng babaeng kaparehas ko ang antas sa buhay.

Alam ng Diyos na tapat ang hangarin ko sa kanya. Mabuti at napigilan ko ang aking sarili.
Gusto ko siyang saktan. Tama po bang kalimutan ko na lang ang nangyari at ibaling sa iba ang ­aking atensyon? Payuhan po ninyo ako.

Simeon

 

Dear Simeon,

Nakakasugat talaga ng damdamin ang ginawa ng babaeng niligawan mo. Puwede naman niyang sabihin sa maayos na paraan na maging magkaibigan na lang kayo. Pasalamat ka at hindi mo siya nakatuluyan, kung hindi, baka lalo ka niyang aba-abahin kapag mag-asawa na kayo. Ngunit hindi naman lahat ng taong may mataas na estado sa buhay ay katulad niya. Minalas ka lang na magtapat sa mapang-aba.

Hindi sukatan sa pag-ibig ang antas ng pamumuhay at iba pang batayang karaniwang binibigyang pansin ng iba sa pagpili ng kasintahan.

Kaya sabi nga, charge it to experience. Hindi masamang magmahal ng may kaya sa buhay, pero suriin mo muna ang ugali ng kahit sinong balak mong ligawan.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with