Crush ko si Ian
(Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sixteen years old na po ako at nasa senior high school nitong katatapos lang na school year. Tulad ng ibang teenager may crush din ako at siya ay ang buddy ng kuya ko.

Matanda ng tatlong taon sa akin si Ian at nag-aaral siya sa ibang school.

Dati madalas siya sa bahay namin dahil teammate sila sa basketball ni Kuya Bong. Pero nang malaman ng kapatid ko na may paghanga ako sa kaibigan niya ay hindi na nagpupunta sa amin si Ian. 

Nagagalit si kuya dahil hindi niya raw papayagan na ang sinuman sa aming mga kapatid niyang babae na magkaroon ng kaugnayan sa kahit sinong kaibigan niya.

Minsan kong naikwento ang tungkol dito sa mga kaibigan ko. Ang payo nila, kung hindi raw ako mailalakad ng kapatid ko para mapalapit sa kaibigan niya, ako na raw ang gumawa ng paraan.

Maaaring nagseselos lang daw si kuya. Dahil kapag naging boyfriend ko ang kaibigan niya ay hindi na sila magiging ganon ka-close.

Sa palagay n’yo po ba magkakatotoo ang sinabi ng mga kaibigan ko? Payuhan po ninyo ako dahil talagang crush ko ang best friend ng kuya ko. Gusto ko po mapalapit sa kanya.

Maraming salamat po at more power.                                                       

Gumagalang,

Katrina 

Dear Katrina,

Kung best friend ng kuya mo ang crush mo, kilala niya ang pagkatao nito. Kaya sa palagay ko ay may katuwiran ang kapatid mo para pigilan kang mapalapit sa kanyang buddy.

Sixteen years old ka palang naman, masyado ka pang bata para seryosohin ang tungkol sa pagkakaroon ng crush. Ang payo ko ay pagtuunan mo muna ang iyong pag-aaral dahil admiration lang ang nararanasan mo. Temporary lang at maaaring magbago.

Marami ka pang makikilalang lalaki at sa tamang pagkakataon ay mas matured ka na para i-entertain ang ganyang feelings. Natitiyak mo na by that time ay hindi na hahadlangan ng kuya ko kung magiging interesado ka sa isang lalaki.

DR. LOVE

LOVE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with