_ngayon
^

Dr. Love

Pekeng kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako ay sumulat sa inyo dahil sa mabigat kong problema. Tawagin mo na lang akong Viring, 29 anyos at anim na taon nang may asawa.

Nagpakasal kami ng mister ko sa isang judge raw, malapit sa aming munisipyo. Kampante ako na totoo ang kasal at hindi naghinalang may kalokohang ginawa ang mister ko at kinasabwat ang isang na-disbar na abogado na nagpanggap na judge.

Ang masakit, matapos ang anim na taong pagsasama at magkaroon kami ng dalawang anak, gusto niya ako hiwalayan.

Nagsimula akong magsiyasat. Kumuha ako ng kopya ng aming marriage license sa NSO at natuklasan ko na wala kaming record. Inusisa ko siya at sinabi niya ang buong katotohanan. Ano ang gagawin ko? Paano ang aming mga anak?

Viring

 

Dear Viring,

Baka hindi alam ng mister mo na malaking asunto iyan. Falsification of public documents. Pati ang abogadong kinasapakat niya ay may pananagutan.

Naanakan ka niya kaya may pananagutan siya sa mga supling ninyo kung balak niyang maki­paghiwalay. Pero hindi mo ito dapat ipagwalang-bahala. Kumunsulta ka sa abogado at alamin ang aksyong legal na puwede mong gawin.

Dr. Love

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with