_ngayon
^

Dr. Love

Agresibong tutor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Hindi ko akalain na bukod sa pag-tutor sa aking anak ay may iba pang pinagkakaabalahan ang inirekomendang tutor sa akin at ito ay ang aking ama.

Nasa 40 anyos ang biyudang si Mrs. Layson habang malapit nang mag-otsenta si papa, na minsan kong dinatnang magkasama sa loob ng kuwarto ng aking ama.

Maaga akong nakauwi noon galing sa trabaho nang maabutan ko si Boyet na mag-isang nagsusulat sa sala. Tinanong ko kung nasaan ang tutor niya, kasama raw ni lolo sa kuwarto. Nagpahatid daw ang lolo niya dahil nahilo.

May kung anong kabog sa dibdib ko, Dr. Love at agad ko silang pinuntahan sa kuwarto. Humahagikhik si papa, matagal ko na ‘yong hindi naririnig mula nang pumanaw si mama. Pinipigil ko ang aking sarili na buksan ang pinto gamit ang aking master key, kaya kumatok na lang ako.

Siguro inakala ni Mrs. Layson na ang 8 taong gulang kong anak ang naghahanap sa kanila, kaya binuksan niya ang pinto habang inaayos pa ang kanyang nakalihis na blouse.

Kitang-kita ko ang pamumutla ni Mrs. Layson nang makita niyang ako ang nasa pinto at agad siyang lumabas ng kuwarto.

Matagal ko nang naoobserbahan ang kakaibang sweetness ni papa kay Mrs. Layson, hindi naman niyang ikinaila na may relasyon sila pero wala raw sex.

Nangangamba ako sa pagka-agresibo ng tutor at kung anong motibo na meron siya sa aking ama. Baka po gawin niya lang palabigasan ang papa ko na may alta presyon pa naman.  

Nagbabalak na akong magpalit ng tutor ni Boyet, dapat ko ba itong gawin? Ang worry ko po ay baka manibago ang bata at makaapekto sa kanyang mga exam, payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat

Gumagalang,

Neng

Dear Neng,

Hindi kita masisisi kung ganyan na lamang ang pag-aalala mo para sa iyong sakiting ama. Pero kung muli siyang nagiging maligaya sa biyudang karelasyon niya, bakit hindi mo muna kilala si Mrs. Layson at i-background check mo siya para makumbinsi mo ang iyong sarili kung may kakaibang motibo siya sa pakikipagmabutihan sa iyong ama. Dahil kung wala naman, wala rin akong nakikitang masama kung magpatuloy ang relasyon nila, dahil pareho silang balo na at kapwa may karapatan ring lumigaya.

Dr. Love 

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with