Pinagtagpo ng pagkakataon
Jess Diaz (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2016 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Muling nagkrus ang landas namin ng isang kababata na may matagal na palang paghanga sa akin. Ganun din po ang damdamin ko para sa kanya, kaya mabilis na umusbong ang relsyon sa aming muling pagkikita. Ang pareho naming kalagayan ang naglapit sa amin, pareho kaming hindi masaya sa aming pinakasalang partner.

Tuluyan na akong nawalan ng amor sa aking asawa nang malaman kong hindi pa rin siya nagbabago sa kanyang pagiging chickboy. Umabot na po sa puntong pinandidirihan ko nang makipagtalik sa kanya at baka kung anong sakit na ang nakuha niya sa mga kerida niya.

Maraming beses ko na ring nasabi sa kanya na gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya. Pero ayaw niya at sa pakiramdam ko dahil may pakinabang siya sa akin. Sa akin ang bahay na tinitirhan namin at may sarili akong hanap-buhay na kayang bumuhay sa aming anak.

Ang pagkakamali naman daw si Jesse ay isang talamak na madyongera at hasler sa iba’t ibang sugal ang kanyang misis. Nakikisama na lang daw siya rito alang-alang sa kanilang anak.

At nang minsang dalawin ni Jesse ang kuya ko na noon pa ay matalik na niyang kaibigan, nagkita kami at hindi na niya ako nilubayan hanggang hindi nakukuha ang aking cellphone number.

Ngayon po ay mag-lover na kami. Ang panakaw-nakaw na pagtatapo namin ang nagpapasigla sa akin at nagbigay ng kulay sa buhay ko. Pero may pag-asa ba na maging ganap na malaya sa sumbat ng konsensiya ang aming pagsasama? Pero hanggang ngayon ay walang palatandaan ng legal na hakbang sa panig ni Jesse, nakakapag-isip tuloy ako na wala siyang balak na isapubliko ang aming relasyon. Pagpayuhan po ninyo ako. Naguguluhan po ako.
Thank you po sa mahalaga ninyong payo at may the good Lord always bless you.

Gumagalang,

Faye

Dear Faye,

Sa batas ng tao, lalo na sa Diyos ay mali ang pinasok ninyo ni Jesse. Pero may paraan para ito ay maitama. Sa pagkakaalam ko ang pangangalunya ay matibay na ground para malusaw ang bisa ng kasal, hindi naman ako pamilyar sa kaso ni Jesse. Kaya makakabuti kung sa abogado kayo magtanong. Pero bago mo gawin ‘yan ay kausapin mo muna nang masinsinan ang lover mo kung ano ang plano niya sa inyong relasyon. Sakaling wala, makipagkalas ka na sa kanya para makatagpo ng lalaking mapapanindigan ka at hindi ka hahayaang maging kabit habang buhay.

DR. LOVE 

 

HOUSE OF REPRESENTATIVES PANTALEON ALVAREZ SPEAKER SONNY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with