Asiwa sa 50-anyos na gf ng anak
(Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong si Raissa, 50-anyos dating balo pero ngayon ay kasal na sa isa ring balong tulad ko.

Ang problema ko po ay hindi sa relasyon na­ming mag-asawa. Dahil maligaya naman ang ­aming pagsasama. May kinalaman po ito sa girlfriend ng anak ni Tito, na mas malaki ang agwat ng edad kaysa sa kanya.

Malapit na pong mag-50 anyos ang girlfriend ni Guerrero samantalang siya ay wala pang 23-anyos. Mabait naman sa akin si Guerrero at appreciated niya ang pagtuturing ko sa kanya bilang anak.

Minsan na niyang naisama sa bahay ang girlfriend niyang si Auria at para akong nagulantang dahil hindi halata na malaki ang katandaan ni Auria kaysa kay Guerrero, matangi lang sa mayroon nang mangilan-ngilang gatla sa tabi ng kanyang mata.

Hindi ko po malaman kung talagang love ni Guerrero ang girlfriend niya. Ang totoo, hindi ko po maiwasang maasiwa. Kaya naman hindi ko masisi si Tito sa naging reaksiyon niya nang magsabi ang anak niya na magli-live in na sila ng girlfriend niya.

Para akong naiipit sa magkabilang bato, Dr. Love. Paano ko pipigilan ang magnobyo habang iniisip ang banta ng asawa ko na hindi maiaakyat ni Guerrero ang girlfriend niya sa bahay kung hindi sila maawat. Pagpayuhan po ninyo ako. Kinakabahan po talaga ako.

May pag-asa pa bang matauhan ang anak-anakan ko?

Gumagalang,

Felisa

Dear Felisa,

Bilang tumatayong ina ng anak ng iyong napangasawa, nasa iyo ang karapatan para payuhan siya sa magandang paraan. ‘Yung hindi makaka-offend. Sikapin mo rin na makausap ng masinsinan ang iyong asawa, nang sa gayon ay masubukan mong ipaunawa sa kanila ang sitwasyon.

Pero kung sa kabila ng lahat ay mananatili ang kanilang kalooban sa sitwasyon, atleast nagawa mo na ang maaari mong gawin.

DR. LOVE

 

ACIRC ANG AURIA BILANG DAHIL DEAR FELISA DR. LOVE GUERRERO HINDI STRONG TITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with