^

Bansa

Sa mga red flag sa 2027 budget ‘Iyakan pa more’ sa Kamara – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sa mga red flag sa 2027 budget ‘Iyakan pa more’ sa Kamara – Lacson
Sen. Panfilo Lacson on February 10, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Posibleng mas tumindi pa ang “iyakan” sa Kamara kapag sinimulan ng Senado ang pagbusisi sa mga umano’y kuwestiyonableng pagbabago sa bersyon ng Kamara ng panukalang P7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nakikita niyang maibabalik ng Senado ang daan-daang bilyong pisong pondo na ibinawas o inilipat ng Kamara, kabilang ang mga pondong para sa Foreign-Assisted Projects (FAPs) at ilang realignment na may kinalaman sa flood control projects.

“Simula pa lang na iyakan ’yan, kasi kapag kinorek namin lahat ng ginalaw nila, baka lalo pa silang mag-iyakan,” ani Lacson sa panayam sa radyo nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng senador na malaki pa ang trabahong naghihintay sa Senado dahil tuluy-tuloy ang pagdinig at masusing pagsusuri sa budget, kabilang ang mga pondong inilaan sa mga distrito.

Pormal nang natanggap ng Senado nitong Miyerkules ang bersyon ng Kamara ng panukalang budget, habang inaasahang magsisi­mula ang plenary debates sa Nobyembre.

Iginiit ni Lacson na hindi maaaring pabayaan ang mga pondo para sa FAPs dahil may umiiral na mga kasunduan ang Pilipinas sa mga dayuhang development partners.

Kabilang sa binanggit niyang halimbawa ang Lakeshore Road Network sa Laguna, isang multi-year infrastructure project na suportado ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Babala ni Lacson, maaaring magbayad ang pamahalaan ng commitment fees at humarap sa iba pang pinansiyal na epekto kung hindi matutuloy ang mga proyektong ito.

Nagpahayag din ng pag-aalala ang senador sa ulat na nadagdagan pa umano ang pondo para sa flood control projects, sa kabila ng naunang mga isyung iniuugnay sa naturang mga proyekto.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with