PANOORIN: 'Hindi tayo pwedeng mag-anticipate': Palasyo sa posibleng kapalit ni VP Sara
MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na hindi pa dapat pag-usapan kung sino ang maaaring pumalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ma-convict sa impeachment trial, dahil wala pa umanong hatol.
"Hindi tayo pwedeng mag-anticipate, hindi tayo pwedeng mag-speculate dahil ang defense ay magpre-presenta pa po ng kanilang ebidensiya," ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong Huwebes, Oktubre 15.
Giit ni Castro, dapat munang hayaang gumulong ang proseso at respetuhin ang posisyon ng bise presidente, gaya umano ng ginagawa ni Pangulong Bongbong Marcos.
"Kahit paminsan-minsan ay hindi nagbibigay ng respeto ang iba, pero ang pangulo, nirerespeto ang posisyon ng bise presidente," aniya, kaugnay ng paglutang ng pangalan ni House Speaker Bojie Dy bilang posibleng kapalit ni Duterte.
Tinanggap at kinumpirma ng Senate impeachment court ang pagbawi ng prosekusyon sa Articles I tungkol sa confidential funds, Article III tungkol sa bribery sa Department of Education, at Article IV tungkol sa grave threats sa impeachment trial laban sa bise presidente.
Magsisimula ang presentasyon ng depensa sa Nobyembre 9.
- Latest























