^

Bansa

PANOORIN: Ombudsman sa SALN: Yaman ng lingkod-bayan, hindi pribadong usapin

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Ibinida ni Ombudsman Boying Remulla ang pag-alis ng mga harang sa pag-access ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno sa kanyang unang annual report.

"Ang yaman ng isang lingkod-bayan ay hindi pribadong usapin. Kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan, may karapatan ang bayan na malaman," ani Remulla ngayong Lunes, Oktubre 12.

Aniya, ang pagtanggal sa mga "barriers" sa pag-access sa SALN ay isa sa mga una niyang ginawa bilang Ombudsman.

"For years, the public was told to ask the officials' permission before seeing what that official owned. We ended that," sabi ni Remulla.

Simula noon, naaprubahan ang 1,777 kahilingan para sa SALN, kung saan inalis ang ilang personal na datos alinsunod sa Data Privacy Act, aniya.

Dagdag niya, marami sa gobyerno ang nagtatago sa likod ng lihim, at walang nagnanakaw sa harap ng maraming mata.

"It is precisely there in the dark where corruption grows... Kaya kailangang masanay ang gobyerno sa kultura ng transparency. Hindi ito pabor na hinihingi natin sa gobyerno. Karapatan ito ng bawat Pilipino," ani Remulla.

BOYING REMULLA

JESUS CRISPIN REMULLA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with