PANOORIN: Marcos: 'Buwaon' na pahayag, hindi para kay VP Sara
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi direktang nakatuon kay Vice President Sara Duterte ang kanyang naunang komento na gumamit ng salitang “buwaon” o sinungaling.
Tinanong si Marcos tungkol sa ulat na tinawag niyang “buwaon” ang bise presidente matapos akusahan ni Duterte ang administrasyon na nagsasagawa ng media stunt upang buhayin ang impeachment trial laban sa kanya.
Ipinaliwanag ng pangulo na ang kanyang komento ay kaugnay ng usapin sa pagbabago ng Konstitusyon at sa halalan, at hindi partikular na reaksiyon kay Duterte.
“It's not particularly a reaction to anything. It's not an official press release,” ani Marcos.
- Latest




















