PANOORIN: Pagdalo ni Marcos sa F1, hindi dapat tutukan — Palasyo
MANILA, Philippines — Hiniling ng Malacañang na huwag tumutok ang mga kritiko sa mga "maaari pang gawin" ni Pangulong Bongbong Marcos habang nasa Singapore, kabilang ang posibleng pagdalo niya sa F1 Grand Prix.
“Huwag silang tumutok kung a-attend man ang Pangulo sa F1 Grand Prix, ang tutukan nila kung ano ang gagawin ng Pangulo rito para sa ating bayan,” ani Palace Press Officer Claire Castro ngayong Miyerkules, Oktubre 7.
Ayon kay Castro, dadalo si Marcos sa Forbes Global CEO Conference para itaguyod ang Pilipinas at magkaroon ng maraming "investment opportunities."
Kabilang dito ang mga larangan tulad ng digital technology, artificial intelligence, advanced manufacturing, infrastructure, energy at healthcare, dagdag niya.
Giit din niya, huwag sanang maging "bulag" ang sinuman sa mga ginagawa ng pangulo.
"Dapat bago magsalita ang sinuman, tingnan muna kung ano ang gagawing trabaho ng pangulo," ani Castro.
Nakatakda ang five-day working visit ni Marcos sa Singapore mula Oktubre 7 hanggang 11 sa imbitasyon ni Prime Minister Lawrence Wong.
- Latest






















