^

Bansa

Paglabag sa confidentiality rule ng Ombudsman, ibinato kay Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng ilang legal practitioner ang patuloy na paglalabas ni Sen. Panfilo Lacson ng mga pahayag at video sa social media kaugnay ng reklamong isinampa niya laban kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

Naglabas si Lacson sa kanyang social media accounts ng isang 25-segundong video snippet mula sa ginagawang joint field inspection ng Office of the Ombudsman, Philippine Reclamation Authority (PRA), Land Registration Authority (LRA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taguig Lakeshore.

Binanggit ng mga legal observer na ang pag-post ni Lacson ng video ay maaaring sumalungat sa layunin ng confidentiality rule na maprotektahan ang integridad ng imbestigasyon, maiwasan ang trial by publicity, at matiyak ang due process ng mga sangkot na partido.

Ipinaalala ng mga legal practitioner na sa ilalim ng Republic Act No. 6770 (The Ombudsman Act of 1989) at mga alituntunin sa imbestigasyon ng Ombudsman (tulad ng Administrative Order No. 1, Series of 2026 sa ilalim ng Rule IV, Section 5), ang anumang fact-finding investigation, testimonya ng saksi, at isinumitang ebidensya ay itinuturing na strictly confidential.

Ayon sa kanila, ang patuloy na pampublikong pag-akusa at pagpapalabas ng mga bahagi ng imbestigasyon sa social media ay maaaring makaapekto sa patas at malayang pagresolba ng kaso.

Nag-ugat ang isyu sa mga ibinunyag ni Lacson tungkol sa umano’y 32 “ghost” flood control at slope protection projects sa Taguig na nagkakahalaga ng bilyong piso, gayundin sa sinasabing iligal na pagtatambak sa mahigit 170 ektarya ng Laguna Lake.

Sa kabila ng mga akusasyong ito, mariing itinanggi ng pamahalaang lungsod ng Taguig at ng kampo ni Cayetano ang mga alegasyon matapos lumabas sa mga pormal na pagdinig sa Senado na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang pambansang ahensya, at hindi ang Taguig LGU, ang pormal na proponent ng mga infrastructure at reclamation projects sa kahabaan ng lakeshore.

LRA

PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with