PANOORIN: 85.75% Bar rating ng AMLC chief ikinumpara sa 80% ni Sara
MANILA, Philippines — Muling napag-usapan ang 80% Bar rating ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial nitong Lunes, Oktubre 5, matapos iharap ng prosecution ang Anti-Money Laundering Council Executive Director na si Ronel Buenaventura.
Sa pagtatanong ni private prosecutor Mae Divinagracia, sinabi ni Buenaventura na nag-10th place siya sa 2015 Bar Exams matapos makakuha ng 85.75% rating.
Ikinumpara ito ni Divinagracia sa 80% Bar rating ni Duterte na naunang binanggit ng defense lawyer na si Mark Vinluan noong Hulyo.
Agad namang umalma si Vinluan at hiniling na i-strike out ang komento dahil hindi umano ito relevant, o naaayon sa paksa ng mga diskusyon.
Inaasahang tatalakayin ni Buenaventura ang financial records na may kaugnayan kina Duterte at asawa nitong si Manases Carpio, pati na sa kanilang iba pang financial interests.
Ayon sa AMLC, may 630 covered transaction reports at 33 suspicious transaction reports na may kabuuang halagang P6.77 bilyon.
- Latest






















