^

Bansa

PANOORIN: Chinese vessels humarang sa PH law enforcement operation sa Pag-asa

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga China Coast Guard (CCG) vessel ang inter-agency maritime law enforcement team ng Pilipinas na rumesponde sa umano’y dynamite fishing malapit sa Pag-asa Island nitong Linggo, Oktubre 4.

Namataan ng Joint Task Unit Pag-asa bandang alas-7:20 ng umaga ang isang dayuhang fishing vessel na nagsasagawa umano ng blast fishing sa layong tatlong nautical miles kanluran ng Pag-asa Island, malapit sa Sandy Cays 2 at 3.

Dahil dito, bumuo ang Coast Guard District Kalayaan Island Group ng inter-agency team na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at PNP Maritime Group.

Umalis ang pangkat mula sa sheltered port ng Pag-asa bandang alas-9:50 ng umaga.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang umusad patungo sa kanilang ruta ang CCG vessels 5102 at 21581, nagpatunog ng kanilang mga busina at nag-isyu ng radio challenges sa Philippine team habang nasa teritoryal na katubigan ng Pilipinas.

Bandang alas-10 ng umaga, inutusan ng Philippine team ang fishing vessel na huminto at ilang beses itong tinawagan sa radyo.

Hindi ito tumugon at naglayag patungong Zamora (Subi) Reef.

Habang sinusundan ng Philippine team ang fishing vessel, hinarangan at minanmanan naman ng CCG 21581 ang mga bangkang Pilipino.

Sa isang punto, umabot ang CCG 21581 sa layong halos 10 yarda mula sa PCG High-Speed Response Boat HSRB-019.

Umikot din nang apat na beses sa ibabaw ng Philippine team ang isang helicopter ng People’s Liberation Army Navy.

“The China Coast Guard has no law enforcement authority in the territorial sea of Pag-asa Island. By obstructing Philippine authorities, the CCG did not protect the marine environment. It made it easier for a suspected violator to escape,” ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela sa isang pahayag nitong Linggo.

CHINA COAST GUARD

PAG-ASA ISLAND

PCG

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with