^

Bansa

PANOORIN: Chiz matapos ang Trillanes presscon: Impeach court 'di madidistract sa 'rantings,' 'tantrums'

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagpaalala si presiding officer Chiz Escudero na batas, ebidensya at pagiging patas ang dapat manaig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sa halip na galit, pride o palakpak.

Ginawa ni Escudero ang pahayag sa pagpapatuloy ng paglilitis nitong Lunes, Oktubre 5, ilang araw matapos punahin ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang mga hakbang bilang presiding officer.

“Hindi tayo pwedeng mawalan ng loob sa ating ginagampanang tungkulin. Hindi tayo pwede pumatol at dapat ipawalang-bahala lamang anumang pag-aalburoto, anumang pagsasalita, anumang tanim na galit na inilalabas ninuman sa husgado o sa hukumang ito,” ani Escudero.

Iginiit niyang hindi madidistract ang impeachment court sa mga “rantings” o “tantrums” ng sinuman, nasa loob man o labas ng korte.

Aniya, mananatiling nakatuon ang korte sa paglilitis at pagpapasya sa impeachment case batay sa ebidensya, hustisya at pagiging patas.

“Nauunawaan ng chair na nauubos na ang pasensya, tumitindi ang tensyon at umiinit ang ulo. Pero hindi natin dapat kalimutan ang ating iisang layunin,” ani Escudero sa Ingles.

“Ang tungkulin natin ay hindi ang manaig sa isa’t isa, kundi tulungan ang korte sa patas at maayos na pagpapatupad ng hustisya,” dagdag niya.

Paalala rin ni Escudero na ang impeachment trial ay hindi tungkol sa mga personalidad na sangkot dito kundi sa bayan, pananagutan, hustisya at pagkamakatarungan.

Nauna nang pinuna ni Trillanes ang mga naging hakbang ni Escudero bilang presiding officer sa isang press conference noong Oktubre 2.

“Bantayan niyo ’yung presiding officer,” ani Trillanes. — Karagdagang ulat mula kay Cristina Chi at Martin Ramos

CHIZ ESCUDERO

IMPEACHMENT TRIAL

SARA DUTERTE'S IMPEACHMENT

SENATOR ANTONIO TRILLANES IV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with