^

Bansa

PAF aircraft, Chinese fighter jet muntik magsalpukan sa ere sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik nang magsalpukan sa himpapawid ang isang C-208 patrol aircraft ng Philippine Air Force (PAF) at isang Chinese J-16 fighter aircraft matapos ang umano’y agresibong paglapit at mapa­nganib na pagmamaniobra ng Chinese military aircraft sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hinarang ng Chinese fighter jet ang ruta ng PAF aircraft at pumuwesto pa sa tagiliran nito, na nagdulot ng seryosong panganib sa kaligtasan ng paglipad.

Sa pahayag ng AFP, nagsasagawa ng routine maritime patrol ang PAF aircraft sa himpapawid ng Bajo de Masinloc noong Oktubre 3 nang makasalubong nito ang dalawang Chinese military aircraft, kabilang ang isang J-16 fighter jet.

“These actions posed an aviation safety risk,” ayon sa AFP, dahil na­lagay sa panganib ang buhay ng dalawang PAF aircrew na nagsasagawa ng patrol mission sa lugar.

Sa kabila ng insidente, matagumpay at ligtas pa ring naisakatuparan ng mga tauhan ng PAF ang kanilang misyon.

Ang Bajo de Masinloc ay matatagpuan sa 124 nautical miles mula sa baybayin ng Masinloc, Zambales.

“The AFP remains vigilant and will continue to prioritize the safety of its personnel and aircraft while carrying out its mandate,” dagdag pa ng AFP.

PAF

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with