Pinoy, pinakamatalinong online shoppers sa Southeast Asia
MANILA, Philippines — Ang mga Pinoy online shoppers ang kinilala bilang ‘savviest consumers’ o ‘pinakamatalinong mamimili’ sa Southeast Asia.
Batay sa 2026 eCommerce Savvy Shopper Report para sa Pilipinas, lumitaw na 36% ng mga Pinoy shoppers ang kuwalipikado bilang ‘savvy,’ ang may pinakamataas na share sa anim na Southeast Asian markets.
Nasa 22% ang klasipikado bilang ‘near-savvy’, o may combined share na 58% na pinakamalaki sa rehiyon.
Pumangalawa ang Indonesia, kung saan 28% ng shoppers ang klasipikado bilang ‘savvy.’ Sinundan ng Vietnam 25%, Thailand 22%, Malaysia 20% at Singapore 9%.
Nanguna rin ang mga Pinoy sa laki ng halaga ng kanilang ginagastos na nasa 47%, Vietnam 44% spending uplift; Malaysia 36%; Thailand 27%; Indonesia 19% at Singapore 13%.
Sa pagtaya, ang weighted spending gap na nauugnay sa ‘shavvy shoppers’ sa Pilipinas ay nasa $3.3 bilyon noong 2026. Ito ay batay sa annual e-commerce marketplace spending sa Southeast Asia noong 2026.
Ang ulat ay isinagawa ng e-commerce company na Lazada at market data firm Cube. In-assess nila ang shopper savviness sa pamamagitan ng apat na dimensiyon, na kinabibilangan ng ‘verification, value optimization, digital fluency, confidence at protection.’
Sinusukat dito kung ang mga consumers ay pumipili ng tamang produkto, kumukuha ng best value, epektibong gumagamit ng digital tools, at ang pakiramdam ay protektado sila sakaling may mangyaring mali sa kanilang pagbili.
- Latest



















