^

Bansa

DENR: Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumuti na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DENR: Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumuti na
Commuters use umbrellas and pandong (traditional head coverings) to shield themselves from the heat as they travel along Pedro Gil Street in Manila on October 2, 2026 amid hot weather.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bumuti na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila matapos makapagtala ng “very unhealthy” na antas sa mga nakaraang araw dahil sa haze mula Indonesia at iba pang pinagmumulan ng polusyon sa bansa.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), alas-6 ng umaga noong Biyernes, Oktubre 2, “unhealthy” pa rin ang air quality sa Las Piñas at Parañaque, habang ang 18 iba pang monitoring stations sa Metro Manila ay nakapagtala na ng “fair” hanggang “good” na kalidad ng hangin.

Sinabi ni Jundi Del Socorro, hepe ng Environmental Quality Management Division ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB), na noong Setyembre 30 ay nakapagtala ng “very unhealthy” PM2.5 levels ang Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan at Taguig. Gayunman, unti-unti na aniyang bumubuti ang sitwasyon simula kahapon.

Kapag “very unhealthy” ang kalidad ng hangin, pinapayuhan ng mga awtoridad, lalo na ang mga may asthma at iba pang respiratory illnesses, na manatili sa loob ng bahay. Sa mga panahong “unhealthy” ang air quality, inirerekomendang magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.

Nakaapekto ang haze mula Indonesia sa MM, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA. Ayon pa sa DENR-EMB, ang usok mula sa mga sasakyan ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa Metro Manila.

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with