PANOORIN: Chiz Escudero, pinigilan bang tumestigo si Trillanes?
MANILA, Philippines — Hindi direktang sinagot ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kung si Presiding Officer Chiz Escudero ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagtestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang press conference nitong Biyernes, muling binigyang-diin ni Trillanes ang kanyang puna sa paraan ng paghawak ng impeachment court sa mga ebidensiya, partikular sa mga dokumento at bank transactions na nais sana niyang iharap.
Nauna nang hiniling ni Trillanes na alisin ang kanyang pangalan sa witness list ng House prosecution panel.
Sa halip na tumestigo sa impeachment court, inilabas niya sa kanyang press conference ang mga impormasyong nais sana niyang iharap sa paglilitis.
- Latest



















