PANOORIN: Romualdez, nagpasok ng not guilty plea sa kasong plunder
MANILA, Philippines — Naghain si dating House Speaker Martin Romualdez ng not guilty plea sa kasong plunder ngayong Miyerkules, Sept. 16, kaugnay ng umano'y pagtanggap ng P7.44-bilyong halaga ng kickbacks mula sa mga government infrastructure projects.
Binigyan din ng Sandiganbayan Third Division si Romualdez ng 10 araw para maghain ng kanyang komento kung bakit hindi siya dapat suspendihin habang nahaharap sa kasong plunder.
Kinumpirma rin ng counsel ni Romualdez na maghahain sila ng petisyon para sa piyansa.
Dumalo si Romualdez sa kanyang arraignment sa pamamagitan ng videoconference.
Kasalukuyan siyang naka-detain sa New Quezon City Jail sa Payatas, kung saan inilagay siya sa infirmary ward para isailalim sa medical supervision.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, mananatili si Romualdez sa infirmary ward hanggang maging "fit" siyang ilipat sa regular cell "kasama ng mga senators" at iba pa.
- Latest




















