^

Bansa

‘Tagong yaman’, SALN ni VP Sara hihimayin na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Tagong yaman’, SALN ni VP Sara hihimayin na
Philippine Vice President Sara Duterte gestures as she leaves the Hall of Justice in Quezon City, Metro Manila on September 11, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng House prosecution team ang paglalahad ng ebidensya kaugnay ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Z. Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial ngayong Lunes.

Sa ilalim ng Article II, inaakusahan si Duterte ng pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa umano’y pag-iipon ng yaman na lampas sa kanyang legal na kita at sa hindi ganap na pagsisiwalat ng kanyang mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Co-leader ng prosecution para sa Article II si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, katuwang si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.

Itinalaga bilang unang tatlong testigo sina retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang; Atty. Karen Batu, OIC ng Records Division ng Office of the Ombudsman, at Atty. Gerardo del Rosario, Director ng SEC Company Registration and Monitoring Department.

Ayon kay Ridon, handa na ang prosecution sa presentasyon ng mahigit 1,800 dokumento mula sa mga bangko, Bureau of Internal Revenue (BIR), at iba pang financial records, kasama ang datos mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Inaasahang susuriin ang mga ito kasabay ng SALN ni Duterte upang matukoy kung maipapaliwanag ang kanyang mga ari-arian at transaksyon.

Nagsumite rin ang prosecution ng 104 requests for admission kay Duterte kaugnay ng mga bank records na ipinatawag sa pamamagitan ng subpoena.

Ang presentasyon ng ebidensya para sa Article II ay kasunod ng pagkumpleto ng prosecution sa Article I, na tumatalakay sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyon confidential funds ng OVP at DepEd. Nauna ring nailahad ang ebidensya sa artikulo hinggil sa umano’y mga banta ni Duterte laban kay President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

May isa pang artikulo kaugnay ng umano’y panunuhol sa DepEd officials, ngunit pinag-iisipan pa ng prosecution kung itutuloy ito upang mapabilis ang paglilitis.

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with