PANOORIN: Ano'ng nangyari sa impeachment trail ni VP Sara Duterte ngayong linggo?
MANILA, Philippines — Tinapos ng House prosecution nitong Martes, Setyembre 8, ang presentasyon nito ng ebidensya para sa Article I ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos nitong bawiin ang 15 natitira pa nitong witnesses.
Sa halip na ituloy ang pagharap ng mga natitirang testigo, sinabi ng prosecution na balak nitong ipatawag mismo si Duterte upang tumestigo bago matapos ang buong impeachment trial.
Tumutukoy ang Article I sa alegasyon ng misuse, misappropriation at irregular liquidation ng P612.5 milyong confidential funds.
Ayon sa prosecution, sapat na ang testimonya ng 12 witnesses na naiprisinta nito, kasama ang libu-libong dokumentong iniharap sa impeachment court, upang patunayan ang kaso nito sa naturang impeachment article.
Hindi naman sang-ayon dito ang kampo ni Duterte.
Iginiit ng defense na hindi maaaring pilitin ang bise presidente na tumestigo sa impeachment trial.
Samantala, binigyan ng impeachment court ang defense ng 15 araw upang sagutin ang 104 requests for admission na inihain ng prosecution kaugnay ng Article II.
Ang Article II ay tumutukoy sa alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte.
- Latest























