^

Bansa

GCash ‘Pera Coach’: Matibay na gabay ng mga Pinoy sa pag-manage ng pera

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginawang mas madali ng GCash para sa mga Pilipino ang pag-unawa sa mga payo sa pananalapi sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng Pera Coach. Isa itong AI-po­wered tool na nagbibigay ng praktikal na gabay sa karaniwang tanong tungkol sa paghawak ng pera sa simple at parang pakikipag-usap na paraan.

Sa halip na gumamit ng teknikal na termino, gumagamit ang Pera Coach ng generative artificial intelligence upang makipag-usap sa mga user tungkol sa mga problemang karaniwan nilang kinakaharap—mula sa pag-aayos ng budget, pag-iipon, at pagtulong sa gastusin ng pamilya, hanggang sa pagpapasya kung dapat bang bumili ng isang bagay.

Nakasandig ang ­paraan ng Pera Coach sa isang simpleng ideya: mas nagiging kapaki-pakinabang ang payo sa pera kapag nagsisimula ito sa mga tanong na tunay na itinatanong ng mga tao.

Halimbawa, ang tanong na “Investment ba ang naka-70% off?”; “I-checkout ko ba o i-check ko muna ang ­balance ko?”

Maaari ding gamitin ang ganitong paraan ng pakikipag-usap sa mas seryosong usapin sa pananalapi, lalo na para sa mga Pilipinong tumutulong sa kanilang pamilya.

Para sa mga nag-aatubiling humingi ng pormal na payo o hindi alam kung saan magsisimula, nagiging tulay ang Pera Coach upang mas madali nilang maitanong ang kanilang mga concern at makabuo ng mas maayos­ na financial ­habits. Sa kabuuan, layunin nitong gawing accessible ang financial guidance sa pamamagitan ng paglapit sa mga aktuwal na sitwasyon—mula sa pamimili, pagplano ng gastusin, pag-aayos ng sahod, hanggang sa pagtulong sa kapamilya.

GCASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with