^

Bansa

Sen. Raffy tiniyak tulong sa pamilya ng 2 nasawing Pinoy seafarers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ni Sen. Raffy Tulfo ang pagkasawi ng dalawang tripulanteng Pinoy matapos atakihin ang kanilang Saudi-flagged oil tanker na M/V SIDR habang naglalayag sa Strait of Hormuz noong Lunes ng gabi.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, tiniyak ni Sen. Tulfo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang tanggapan sa Department of Migrant Workers (DMW) upang masiguro ang kaligtasan ng mga nakaligtas na tripulante.

Binigyang-diin ni Tulfo na sisikapin nilang ma-repatriate agad ang mga survivor at maibigay ang lahat ng kinakailangang tulong, hindi lamang sa kanila kundi lalo na sa mga pamilya ng mga nasawi.

Kasabay nito, iginiit ng senador na dapat tiyakin ng DMW na naipatutupad ng mga manning agencies at shipping companies ang karapatan ng mga seafarers na tumang­ging maglayag sa mga high-risk area gaya ng Strait of Hormuz. Tinukoy niya ang “Right to Refuse Sailing” na hindi dapat magdulot ng pagkawala ng benepisyo o entitlement ng mga marino.

Giit ni Tulfo, dapat masiguro na may informed consent ang bawat tripulante bago sumampa sa barko, at malinaw na naipapaliwanag sa kanila ang lahat ng panganib na kaakibat ng paglalayag.

Tiniyak ng senador na nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa anumang tulong na kakailanganin ng mga pamilya ng mga apektadong marino.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with