PANOORIN: Sen. Sotto, kinuwestiyon ang paglipat ng 2026 BSKE sa 2028
MANILA, Philippines — Nag-aalinlangan pa si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III sa pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at pagdaraos nito sa 2028.
Ayon kay Sotto, sang-ayon siya sa pagdagdag ng isang taon sa kasalukuyang apat na taong termino ng mga opisyal ng barangay at SK, ngunit hindi na aniya dapat i-postpone ang eleksyon na nakatakda sa November 2 ngayong taon.
Samantala, sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na maaaring maging problema ang pagdaraos nito kasabay ng Undas, habang posible rin ang panibagong postponement kung sasabay naman ang susunod na BSKE sa 2031 national elections.
- Latest























