5-year term sa Barangay, SK lusot sa House 2nd reading

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill (HB) 109791, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK), na itinakda ang halalan sa Nobyembre 2028.
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay ganap na napagtibay ang panukalang batas.
Nakasaad dito na ang susunod na Barangay at SK Elections (BSKE) ay mula Nobyembre 2026 at gaganapin tuwing ikalimang taon, sa ikalawang Lunes ng Nobyembre.
Kapag naisabatas, magiging limang taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay at SK.
Para sa Barangay officials, tatlong termino ang kasalukuyang limitasyon, ngunit mababawasan ito ng dalawang termino.
Mananatili naman ang isang termino para sa mga opisyal ng SK.
“Current barangay officials are considered to have completed one term because of the previous two-year extension. Officials serving their third consecutive term cannot run in 2028,” saad pa sa explanatory ng naturang panukala.
- Latest





















