^

Bansa

‘VP Sara nag-utos na ilabas P125 milyon spy fund kay Lachica’

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘VP Sara nag-utos na ilabas P125 milyon spy fund kay Lachica’
Presiding Officer Chiz Escudero thanked and excused former Office of the Vice President (OVP) special disbursing officer Gina Acosta after she completed her testimony before the Senate impeachment court on August 17, 2026.
STAR/File

Hostile witness ‘kumanta’

MANILA, Philippines — Personal umanong inutos ni Vice President Sara Duterte ang pagpapalabas ng buong P125 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa security officer nito na si Col. Raymund Dante Lachica matapos ma-withdraw ng cash ang naturang halaga noong Disyembre 20, 2022.

Isiniwalat ito noong Lunes ni dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta habang tumetestigo bilang hostile witness sa impeachment court ng Senado.

Sa pagtatanong ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan, kinilala ni Acosta si Duterte bilang opisyal na nag-utos sa kanya na i-turn over ang confidential funds kay Lachica, na noon ay pinuno ng Vice Presidential Security and Protection Group.

“May instruction po sa taas, Your Honor, ng aking head of agency na kung ma-encash ko po ang cheque, i-release ko po kay Sir Lachica,” sabi ni Acosta.

Kinumpirma rin ni Acosta na winidraw niya ng cash ang buong ha­laga mula sa Land Bank of the Philippines noong Disyembre 20, 2022.

“Nilagay ko po sa ­aking apat na bag,” aniya, at inilarawan ang mga ito bilang oblong-shaped na travel bags.

Iniulat na ang P125 milyon ay inilabas sa OVP sa mga bundle na tig-P1 milyon at idineklarang nagastos sa loob lamang ng 11 araw, mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022, kabilang ang mga araw ng holiday.

Nakasaad sa Item 6.1.2 ng COA-DBM-DILG-GCG-DND Joint Circular No. 2015-01 na ang lahat ng cash advances para sa confidential funds ay dapat personal na kunin, ilabas, at i-account lamang ng duly designated at bonded SDO at hindi maaaring ilipat o ipasa sa ibang tao.

Nang tanungin sa naturang pagdinig kung bakit niya ibinigay kay Lachica ang buong halaga, sinabi ni Acosta: “May utos po ni Ma’am Inday Sara na sa kanya po i-release kasi siya po ang nakakaalam kung paano po i-implement ang mga programs and activities in line po sa confidential activities,” aniya.

Nagpatotoo rin si Acosta na umasa lamang siya sa liquidation documents at impormasyong ibinigay ni Lachica at hindi niya tinanggihan o kinuwestiyon ang mga isinumite nito.

Nang tanungin kung gagawin niya iyon nang walang pag-apruba ni Duterte, sumagot si Acosta: “Hindi po.”

Nauna rin nang sinabi ni Acosta sa kanyang testimonya na nagmula ang kanyang tiwala kay Lachica sa tiwala mismo ni Duterte sa security officer.

“I trust Lachica kasi pinagkakatiwalaan po siya ng aking head of office, Inday Sara,” aniya.

Ang P125 milyon ang unang tranche sa apat na bahagi ng confidential funds na umabot sa kabuuang P500 milyon na inilaan sa OVP noong 2022 at 2023.

Iniulat ng OVP na ginamit ang pera para sa mga reward payment, pagbili ng impormasyon at iba pang confidential operations. Gayunman, kinuwestiyon ng mga state auditor ang mga supporting document na may mga pangalang inilarawan ng mga mambabatas na kahina-hinala o posibleng kathang-isip.

Binigyang-pansin din ng mga auditor ang paggamit ng confidential funds para sa umano’y surveillance activities na isinagawa sa mga Christmas party, tree-planting activities, TUPAD payouts, at pamamahagi ng mga wheelchair. Ang mga dokumentong isinumite bilang suporta sa mga gastusing ito ay umano naglalaman lamang ng mga certification na walang naganap na insidente, nang walang partikular na operational accomplishments.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with