^

Bansa

Pangulong Marcos – VP Sara ‘private meeting’ lumutang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos – VP Sara ‘private meeting’ lumutang
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

Palasyo ‘di kinumpirma

MANILA, Philippines — Sinabi ng Malacañang nitong Lunes na hindi nito makumpirma ang mga ulat na umano’y humiling si Vice President Sara Duterte ng isang “private meeting” kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Wala po tayong makukumpirma patungkol diyan dahil wala namang binababa sa ating anumang impormasyon kung mayroon ngang ganyang kaganapan. Sa ngayon, wala tayong makukumpirma,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.

Ginawa ni Castro ang pahayag matapos tanungin hinggil sa mga ulat na humingi umano si Duterte na makipagpulong sa Pangulo upang mag-alok ng pagbibitiw at payagan siyang tumakbo sa 2028 presidential elections.

Sakaling may ganoong kahilingan, sinabi ni Castro na bukas si Marcos na makipag-usap sa sinuman, kabilang ang mga may salungat na pananaw.

“Sa una pa lang niyang podcast, kahit sino sa lahat ng maaaring hindi sumasang-ayon sa kanya, siya ay bukas upang makipag-usap para magkaroon ng magandang pagkakaintindihan. Hindi partikular para kay Vice President,” dagdag ni Castro.

Nang muling tanungin kung bukas pa rin ang Pangulo na makatrabaho si Duterte, sagot ni Castro: “Sa lahat ng kababayan natin. Sa lahat ng tao, open ang Pangulo.”

Noong 2024, sinabi ni Marcos na hindi niya isinasara ang pinto sa posibilidad ng pagkakasundo kay Duterte.

MEETING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with