^

Bansa

Proposed Pax Silica Hub, Pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain si Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change Chairperson Sen. Raffy Tulfo ng resolusyon upang imbestigahan ang planong Pax Silica Hub sa New Clark City, Capas, Tarlac, sa gitna ng pangamba ng publiko hinggil sa posibleng epekto nito sa ekonomiya, kapaligiran, lipunan, teknolohiya, at pambansang seguridad.

Sa Senate Resolution No. 571, binigyang-diin ni Tulfo ang pangangailangang suriin kung sapat ang umiiral na batas at regulasyon habang itinutulak ng pamahalaan ang digital infrastructure, artificial intelligence, at advanced manufacturing bilang estratehikong sektor para sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho.

Ang Pax Silica Hub ay inaasahang magpoposisyon sa Pilipinas bilang regional center para sa advanced computing, AI, semiconductors, data infrastructure, at iba pang high-value technology sectors.

“Bagama’t maaaring magkaroon ng malaking ambag ang mga ganitong pamumuhunan sa paglago ng ekonomiya, technology transfer, innovation, at paglikha ng trabaho, nagbunsod din ito ng mga pangamba at mahahalagang usaping dapat pag-aralan,” ani Tulfo.

PAX SILICA

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with