Alice Guo kinasuhan ng P1 bilyong tax evasion ng BIR

MANILA, Philippines — Sinampahan ng P1 bilyong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon sa BIR, nag-ugat ang kaso sa testimonya ni Guo sa Senate hearing nang i-raid ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) compound sa kanyang bayan.
Sa naturang hearing, inamin ni Guo na pag-aari niya ang real properties, mga sasakyan pati na ang mga interes mula sa ilang korporasyon.
Sa pag-iimbestiga ng BOR, nakitaan si Guo ng “significant assets, expenditures, and financial transactions” pati na ang real properties, motor vehicles, helicopter, bank transactions, shares of stock, at iba pang acquisitions.
Ayon sa BIR, base sa mga available records, hindi naipaliwanag ni Guo ang magnitude of the expenditures at transactions.
Nabatid na may undeclared income si Guo at hindi nagbayad ng tamang buwis.
Nadiskubre rin ng BIR na hindi naghain ng income tax returns si Guo mula 2019 hanggang 2023.
Nahatulang guilty si Guo sa kasong qualified human trafficking dahil sa operasyon ng POGO sa Tarlac.
- Latest

















