^

Bansa

$25K reward alok ng FBI vs wanted na Pinoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbibigay ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng hanggang $25,000 na reward para sa makakapagbigay ng impormasyon sa isang wanted na Pinoy na sangkot sa online exploitation ng mga bata gamit ang gaming at social media platforms.

Sa post ng FBI-Dallas, kinilala ang suspek na si Austin Jan Sy Yatco at may mga alias na “Hairy Lips” at Austin Yatco.

Tubong San Pedro, Laguna ang suspek ay ipina­nganak noong Agosto 27, 1998, nasa 145 pounds at nasa 5’7” ang taas.

Nakasaad din na pinipilit umano ang mga batang biktima na gumawa ng “child pornography” na ipinapakalat naman online ng grupo kung saan kasama si Yatco.

Isang federal arrest warrant ang inilabas laban kay Yatco noong Enero 23, 2026 ng United States District Court for the Eastern District of New York, Brooklyn, New York.

Ayon pa sa post, si Yatco ay may koneksiyon sa Plano, Texas at pinaniniwalaang naninirahan sa Pilipinas.

FBI

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with