^

Bansa

P611 milyong nabawi sa flood control scam, ibuhos sa ayuda - Diokno

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P611 milyong  nabawi sa flood control scam, ibuhos sa ayuda - Diokno
Akbayan Rep. Chel Diokno
Joey Viduya

MANILA, Philippines — Sa gitna ng krisis sa langis sa bansa dulot ng tensiyon sa Middle East, iminungkahi ni Akbayan Rep. Chel Diokno sa pamahalaan na gamitin ang mahigit P611.381 milyong pondo na ibinalik ng mga sangkot sa flood kontrol scandal sa pamamahagi ng ayuda.

Inihayag ito ni Diokno sa kaniyang Facebook post sa gitna na rin ng paghahanap ng solus­yon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung paano matutugunan ang krisis.

Ayon kay Diokno, umaabot na sa kabuuang P611,381,500 ang naibalik ng mga sangkot sa flood control scams sa Department of Justice (DOJ) na aniya’y dapat gamitin sa pagresponde sa krisis.

“Kung pera rin lang ng taumbayan ang naibalik, dapat ibalik din ito sa taumbayan sa anyo ng serbisyong mararamdaman nila araw-araw,” saad ni Diokno.

Sinabi ni Diokno sa gitna ng taas presyo, isa sa puwedeng pondohan ng gobyerno ay ang service contracting para sa pampublikong transportasyon kung saan sa ganitong sistema ay mabibigyan ng suporta ang mga jeepney drivers base sa serbisyong ibinibigay ng mga ito. Dahil dito, matitiyak din aniya ang mas maayos at tuluy-tuloy na biyahe para sa mga pasahero.

Idinagdag pa ni Diokno na ang biyahe at produksiyon ng pagkain ay dapat mapababa ang gastos habang hindi rin anya dapat na magdepende ang pamahalaan sa imported na fuel at bilisan ang paglipat sa renewable energy.

“Sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, it’s a season of hope and renewal, kahit gaano kadilim ang gabi ay may bukang liwayway,” saad ng solon.

CHEL DIOKNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with