^

Bansa

Petron, nakabili ng 2.48 milyong bariles ng Russian crude oil

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Petron, nakabili ng 2.48 milyong bariles ng Russian crude oil
Motorists line up at a gasoline station along United Nations avenue on March 9, 2026, a day before the staggered fuel price adjustments take effect.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa 2.48 milyong bariles ng Russian crude oil ang binili ng Petron Corp., ang nag-iisang oil refinery sa bansa, bilang karagdagan sa kanilang suplay ngayong lalo pang lumalala ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa isang disclosure nitong Lunes, tiniyak ng Petron, na nasa ilalim ng pamumuno ng business tycoon na si Ramon Ang, na ang naturang procurement ay makatutulong upang magtagal ang suplay nila ng langis hanggang sa Hunyo.

Ayon sa Petron, ang hakbang na kumuha ng karagdagang suplay mula sa Russia ay hindi bahagi ng kanilang ‘business-as-usual sourcing strategy.’

Gayunman, napilitan anila ang Petron na gumawa ng ‘extraordinary emergency measure’ bunsod na rin ng kasalukuyang sitwasyon.

“The procurement of Russian crude oil is not part of the Corporation’s business-as-usual sourcing strategy, and the purchases were undertaken strictly out of extreme necessity as an extraordinary emergency measure,” anang Petron. “The purchases were undertaken strictly out of extreme necessity, as an extraordinary emergency measure in res­ponse to unpreceden­ted geopolitical and supply chain disruptions, and only after exhausting all commercially and operationally viable alternatives.”

Tiniyak din nito na handa silang bumili pa ng mas maraming bariles ng Russian crude oil kung kakailanganin.

Una nang napaulat na ang naturang oil giant ay nakatanggap na ng mahigit sa 700,000 bariles ng crude oil mula sa Russia noong nakaraang linggo.

Nabatid na ang Petron ang humahawak ng 30% ng market share sa local fuel supply.

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with