PANOORIN: Bagong impeachment complaint isinampa laban kay VP Sara Duterte
MANILA, Philippines — Naghain ng panibagong impeachment complaint laban kay Sara Duterte ang grupong pinamumunuan ng Neri Colmenares ng Bayan Muna.
Ayon kay Colmenares, batay sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema, binibilang na ang one-year bar gamit ang calendar days at hindi na session days.
Dahil dito, aniya, nag-lapse na ang naturang pagbabawal noong Enero 15, kaya maaari nang magsampa muli ng impeachment complaint.
Giit ni Colmenares, ang paghahain ng reklamo ay naaayon sa desisyon ng Korte Suprema at sa Konstitusyon.
Ang one-year bar ay probisyong nagbabawal sa paghahain ng higit sa isang impeachment complaint laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.
- Latest




















