^

Bansa

Bakit Hong Kong ang pinipili ng mayayamang Pilipino para sa kanilang family legacy

May Dedicatoria - Pilipino Star Ngayon
Bakit Hong Kong ang pinipili ng mayayamang Pilipino para sa kanilang family legacy
Mababa ang crime rate, maayos ang serbisyo publiko, matatag ang batas at rule of law, at maayos ang imprastruktura sa Hong Kong.

MANILA, Philippines — Marami sa mga matagumpay na pamilyang Pilipino ngayon ang hindi lang iniisip kung saan mag-i-invest, kundi kung saan magtatayo ng mas matibay na pundasyon para sa kanilang mga anak at susunod pang henerasyon.

Hindi lang yaman ang tinitingnan nila, kundi kaligtasan, katatagan, maayos na pamahalaan at lifestyle na tugma sa kanilang values at ambisyon. At para sa karamihan sa kanila, malinaw kung saan patungo ang landas na ito—sa Hong Kong.

Isang marangyang ‘second home’

Dalawang oras lang ang flight mula Manila, pero ibang-iba na ang mundo pagdating sa Hong Kong. Isa ito sa pinakaligtas na lungsod sa mundo, kaya’t nagbibigay ng kapanatagan ng loob para sa mga pamilya at negosyante.

Mababa ang crime rate, maayos ang serbisyo publiko, matatag ang batas at rule of law, at maayos ang imprastruktura dito—perpekto para sa pagpapalaki ng pamilya at pagpapatakbo ng global business.

Maging sa araw-araw na pamumuhay, maayos at moderno ang lahat—mula sa public transport hanggang sa digital convenience. Naka-integrate na rin sa buhay nila ang mga fintech at digital payment systems, bagay na gusto ng mga pamilyang Pilipino na naghahanap ng seguridad at sophistication sa kanilang pangalawang tahanan.

Ayon kay Charles Luchangco, isang Filipino na founder ng Arete Capital Partners at mahigit 25 taon nang naninirahan sa Hong Kong, nirerekomenda niya sa kanyang mga kaibigan na manirahan sa Hong kong dahil sa “great infrastructure connecting to the rest of Greater China and Asia.”

Dagdag pa niya: “It’s a very livable and safe city environment. Wonderful family life, great outdoor activities, and a vibrant dining and cultural scene… Hong Kong has it all.”

Makulay at world-class

Isa sa mga kakaibang katangian ng Hong Kong ay ang balanse ng Silangan at Kanluran. Mayroon itong 54 international schools na gumagamit ng mga kurikulum mula US, UK, Germany, Japan at iba pa. Mayroon ding 22 universities, at lima rito ay kabilang sa Top 100 Universities sa buong mundo.

Kaya naman kampante ang mga magulang na dito makakuha ng world-class education ang kanilang mga anak.

Bukod sa edukasyon, puno rin ng buhay at aktibidad ang Hong Kong buong taon. Kapag spring, puwedeng camping, picnic at stargazing sa mga parke at open spaces. Pag summer: diving, kayaking, pangingisda at yacht trips.

Sa autumn, pagbisita sa mga tanawin gaya ng Tai Tong para sa malamig na panahon at magagandang dahon. At kapag winter: trekking at nature hikes sa mga trail gaya ng Dragon’s Back, na isa sa Best Urban Hiking Trails in Asia.

Kuwento ni Luchangco, “The family can go camping on weekends and I can be back at work on Monday morning. I personally love Hong Kong’s energy—it cannot be found to this degree in other Asian cities.”

At siyempre, hindi rin pahuhuli ang nightlife—rooftop bars na may view ng Victoria Harbour, live music, art galleries at exclusive clubs.

Para sa foodies, may 79 Michelin-starred restaurants, mula dim sum hanggang fine dining. At kung shopping ang hanap, sagana ang Hong Kong sa luxury retail at art fairs. Hindi lang ito financial hub, kundi isa ring lifestyle capital.

Puno ng buhay at aktibidad ang Hong Kong.

Continuity at katiyakan

Isa sa mga dahilan kung bakit patok sa mga negosyante ang Hong Kong ay dahil sa malinaw at matatag nitong legal system. Sa ilalim ng prinsipyo ng “One Country, Two Systems,” may mataas itong antas ng awtonomiya at sariling hudikatura na gumagamit ng “common law.”

Ibig sabihin, protektado ang assets, negosyo at personal rights ng high-net-worth investors. Wala ring mahigpit na limitasyon sa paggalaw ng kapital o foreign ownership—kaya’t bukas ito sa mga pamilyang may negosyo sa iba’t ibang bansa.

New Capital Investment Entrant Scheme

Para sa mga high-net-worth Filipinos na gustong magkaroon ng maayos na residency path sa Hong Kong, narito ang New Capital Investment Entrant Scheme (New CIES).

Simula nang buksan ito noong Oktubre 6, mahigit 2,200 aplikasyon na ang natanggap nito.

Sa ilalim ng programa, kailangang mag-invest ng hindi bababa sa HK$30 milyon (humigit-kumulang P220 milyon) sa mga pinapayagang investment assets para makakuha ng residency. Mula rito, HK$27 milyon ay kailangang ilagak sa mga financial assets o real estate, at HK$3 milyon sa CIES Investment Portfolio.

Kasama sa mga investment option ang stocks, bonds, certificates of deposit, subordinated debt at limited partnership funds. Ang stock market ng Hong Kong ay isa sa pinakaaktibo sa mundo, at nananatiling top fundraising hub sa unang kalahati ng 2025.

Sa real estate naman, may cap na HK$15 milyon (kasama ang hanggang HK$10 milyon para sa residential property). Bukod pa rito, mas pinadali na rin ang requirements—binabaan na ang minimum transaction price ng bahay mula HK$50 milyon.

Dahil sa mababang buwis sa property at ganda ng tanawin, hindi na nakapagtataka kung bakit maraming Pilipinong may kaya ang nag-iinvest ng residency dito.

Puwede ring isailalim ng aplikante ang investment sa sarili niyang pangalan o sa ilalim ng family-owned investment vehicle, sakto sa multi-generational planning at family office setup.

Pag natugunan ang mga requirements sa investment at residency, puwede nang mag-apply para sa permanent residency—para malayang makatira, magtrabaho at mag-aral sa Hong Kong.

Hindi lang financial hub ang Hong Kong

Para sa bagong henerasyon ng mayayamang Pilipino, ang Hong Kong ay hindi lang sentro ng negosyo. Ito ay isang ligtas, moderno at future-ready na tahanan. At sa tulong ng New CIES, posible mamuhay dito kasama ang iyong pamilya, tungo sa kasaganaan at kapanatagan.

 


Editor’s Note: Ang #BrandSpace story na ito ay isinulat at inilathala ng Advertising Content Team na hiwalay sa Philstar.com newsroom.


 

FOREIGN INVESTMENTS

HONG KONG

HONG KONG INVESTMENT PROMOTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with