^

Bansa

Duterte mahina, buto’t balat na sa kapayatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte mahina, buto’t balat na sa kapayatan
Former president Rodrigo Duterte attends first ICC hearing via videolink.
Philippine Star / Facebook page

MANILA, Philippines — Humina na ang katawan at naging halos buto’t balat na sa kapaya­tan si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang apat na buwang pagkakakulong sa The Hague, Netherlands.

Ito ang inihayag ni Elizabeth Zimmerman, dating misis ni Digong sa kaniyang facebook post nitong Sabado na ibinahagi ni dating Presidential spokesman Harry Roque sa pagbisita nito kay Digong sa detention center ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Zimmerman na bagaman maayos naman ang kalusugan ni Digong ay malaki ang ibinagsak ng timbang nito.

“He is okay, but he is so thin. Skin and bones,” ayon sa dating maybahay ng dating pangulo.

Si Duterte ay ka­salukuyang nasa kustod­ya ng ICC kaugnay ng kasong “crimes against humanity” sa madugong giyera kontra droga. Nakatakda ang kumpirmas­yon ng kaso laban dito sa Setyembre 23, 2025.

Ayon pa kay Zimmerman, si Duterte, 79, ay humina na ang katawan at mabagal ng kumilos bagaman wala naman itong iniinom na anumang maintenance na gamot.

“He is healthy but as an old man, mahina na maglakad,” ayon kay Zimmerman kung saan nagpapalipas ng oras ang da­ting pangulo sa pamamagitan ng panonood ng television sa kasiyang selda at pag-obserba ng klima sa Netherlands.

Inihayag pa nito na nanatili namang nasa “good spirit” ang dating Pangulo na may mensahe sa kaniyang mga supporters “Umuwi na kayo, Salamat sa inyong suporta, I am okay”. Matatandaan na si Digong ay inaresto sa Ninoy Aquino International Airport matapos itong dumating sa bansa galing sa political rally sa Hong Kong noong Marso 11 ng taong ito.

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with