ICC binutata hiling ni Duterte na idiskwalipika 2 pre-trial judge

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na idiskwalipika ang dalawang pre-trial judge na kasali sa pagtalakay sa kaniyang hamon laban sa hurisdiksyon ng ICC.
Sa buong desisyon na inilathala noong Hulyo 3, sinabi ng plenaryo na si Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera ay tumutupad lamang sa kanilang mga tungkulin ayon sa batas sa lahat ng pagkakataon.
Tinanggihan ng plenaryo ang disqualification request ng kampo ni Duterte noong Hunyo.
Ang buong kopya ng desisyon ay inilathala sa website ng ICC noong Hulyo 3.
Si Duterte ay kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands dahil sa mga kasong crimes against humanity kaugnay sa kanyang drug war campaign noong panahon ng kanyang administrasyon.
- Latest