^

Bansa

Duterte pinayuhan 13 nobya na maghanap na ng bagong nobyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinayuhan 13 nobya na maghanap na ng bagong nobyo
Former President Rodrigo Duterte saluting to overseas Filipino workers in Hong Kong during his visit on Sunday, March 9, 2025.
PDP Laban via Facebook

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa The Hague ang kanyang 13 nobya sa Davao City na maghanap na ng mga nobyo na may mga credit card.

Ito ang inihayag kahapon ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands na pinost ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang ­Facebook page.

Ayon kay Davao City Mayor Sebastian Duterte, dapat nang itigil ng mga babae na may relasyon sa kanyang ama ang kanilang mga drama at pag-aaway.

“All of these fine ladies touched the life and heart of my father. No one is above or below the other, including my mother. It is what it is,” wika ni Sebastian na mas kilala bilang Baste sa social media.

Ang payong ito ay matapos na mabanggit ng anak ng dating pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang partner na si Honeylet, sa kanyang social media account na isang babae na dating nakatrabaho ng ama ay nagpanggap na partner upang makapasok sa pasilidad kung saan nakakulong si ­Duterte.

Ayon kay Veronica, hindi niya kayang palampasin ang ugali ng nasabing babae at hinamon nito na umuwi sa Pilipinas upang sila ay mag-usap.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with