^

Bansa

ICC prosecutors kinontra interim release ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC prosecutors kinontra interim release ni Duterte
Former Philippine President Rodrigo Duterte is seen on a screen with his lawyer Salvador Medialdea (L) in the courtroom during his first appearance before the International Criminal Court (ICC) on charge of crimes against humanity over his deadly crackdown on narcotics, in The Hague on March 14, 2025.
AFP / Peter Dejong, pool

MANILA, Philippines — Kinontra ng Office of the Prosecutor sa International Criminal Court  ang hiling ni dating pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang paglaya.

Sa tugon nito sa ICC na inihain nitong Hunyo 23, binanggit ng prosekusyon ang mga dahilan kung bakit tinatanggihan ang apela ni Duterte para sa interim release.

Ayon sa prosekusyon, ang patuloy na pagkulong ni Duterte ay kinakailangan upang matiyak ang kanyang pagharap sa paglilitis.

Binanggit din na hindi tinatanggap ni Duterte ang “legitimacy” ng legal proceedings laban sa kanya kaya kinakailangan na patuloy itong makulong.

Aniya pa, ang posisyon ni Duterte sa pulitika at mga kontak nito sa international at mapagkukunan ng pondo ay maaaring magbibigay-daan sa kanyang pagtakas.

Naniniwala rin ang prosekusyon na ang patuloy na pagkulong kay Duterte ay kailangan upang matiyak na hindi niya hahadlangan o ilagay sa panganib ang imbestigasyon o mga paglilitis sa korte.

Binanggit din na si Duterte ay may kakayahang makialam at takutin ang mga saksi kung palalayain.

Ayon sa prosekusyon, ang katotohanan na si Duterte ay nahalal bilang alkalde ng Davao City, at ang kanyang mga anak ay may mga posisyon sa pulitika sa bansa, ay nagpapakita na siya, ang kanyang pamilya at mga kasamahan ay may kakayahang impluwensyahan at saktan ang mga saksi.

Idinagdag ng prosekusyon na si Duterte at ang kanyang mga kasama ay may history na ng pakikialam sa mga imbestigasyon laban sa kanya.

Inihalimbawa nila ang mga kaso ng pananakot laban kay dating senador Leila de Lima at self-confessed hitman na si Edgar Matobato at mga banta ni Duterte laban sa mga indibidwal na tumututol sa kanyang giyera kontra droga noong siya ay presidente ng Pilipinas.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with