^

Bansa

VP Sara pinababasura impeachment complaint

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VP Sara pinababasura impeachment complaint
Vice President Sara Duterte.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court na ibasura na ang kinakaharap niyang impeachment complaint.

Ito ang nakasaad sa kanyang 35-pahinang answer ad cautelam na inihatid ni Arnel Barrientos Jr., na mensahero mula sa law firm na Fortun, Narvasa & Salazar, sa tanggapan ni Senate Secretary Renato Bantug dakong alas-5:49 ng hapon, bilang tugon sa kautusan ng impeachment court.

Sa naturang tugon, sinabi ni VP Sara na marapat lamang na maibasura ang reklamo laban sa kanya dahil ito ay ilegal at lumabag sa one-year bar rule sa ilalim ng 1987 Constitution.

Ang tinutukoy ng Bise Presidente ay ang probisyon sa Saligang Batas na nagpapahintulot lamang sa paghahain ng isang impeachment complaint laban sa isang impeachable official kada taon.

“Vice President Sara Z. Duterte, by counsel, without waiving any jurisdictional and/or other objections she has to this case and the Fourth Impeachment Complaint, respectfully states: the fourth impeachment complaint must be dismissed because it is void ab initio for violating the One-Year Bar Rule under Section 3 (5) Article XI of the 1987 ­Constitution,” anito pa.

Unang pinadalhan ng kopya ng sagot ang House bago isinumite sa tanggapan ni Bantug.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with