VP Sara: Mga ginagawa ni Pangulong Marcos ‘di ramdam ng Pinoy

MANILA, Philippines — Pinatutsadahan ni Vice President Sara Duterte si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at sinabing hindi naman ramdam ng mga mamamayan ang mga ginagawa nito para sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara sa isang chance media interview sa Melbourne, Australia nitong Linggo, at matapos siyang mahingian ng reaksiyon sa pahayag ni Pang. Marcos na higit siyang nakapokus sa pangangailangan ng mga mamamayan, kaysa sa impeachment ng bise presidente.
“Well, good for him and we hope to see some sort of truth to his statement that he is focusing on helping our fellow Filipinos and doing something for the country,” ayon kay VP Sara.
Aniya pa, “Unfortunately, if you talk to the ordinary citizens and the Filipino community abroad, we don’t see anything at all.”
Binansagan pa ni VP Sara na ‘hallmark of a scammer’ ang Pangulo.
Ani VP Sara, ni hindi aniya nasunod ng Pangulo ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.
“In fact, he has not followed through within any of his campaign promises and that is an example of the conflicts with regard to our President,” aniya pa. “Well, we’re not surprised. He has the hallmark of a scammer.”
- Latest