Economic team nagpulong sa epekto ng Israel-Iran war
MANILA, Philippines — Nagpatawag na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng meeting sa kanyang economic team para paghandaan ang magiging epekto ng nagaganap na digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na pag-uusapan sa economic meeting ang mga posibleng epekto sa pagsirit sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na ngayon ay halos umabot na sa $80 kada bariles.
Tiniyak naman ni Castro na ibibigay agad ang detalye kung ano ang magiging resulta ng pagpupulong.
Sa ngayon, fuel subsidy aniya ang maibibigay ng gobyerno para sa mga maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at mayroon din nakalaang P2.5 bilyon na pondo para sa ayuda.
Lalong tumindi ang tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel matapos atakihin ng Amerika ang mga pasilidad ng nuclear ng Iran.
Inaprubahan na ng Iranian parliament ang pagsasara ng Strait of Hormuz na isa sa dinadaanan ng mga kalakal na langis.
- Latest