Isko, tiniyak ‘One-Strike Policy’ vs kotong

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ibabalik niya ang ‘one-strike policy’ laban sa anumang uri ng pangongotong sa pagsisimula ng kanyang administrasyon sa Hunyo 30.
Ayon kay Moreno walang puwang ang katiwalian sa lungsod kaya ngayon pa lang ay pinaalalahanan na niya ang lahat ng mga empleyado ng city hall.
Sinabi ni Domagoso na agad na tatanggalin ang mga mahuhuling gumagawa ng katiwalian.
Aniya, walang palusot, walang pakiusap.
Agad din nilang sasampahan ng kaso ang sinumang empleyado hanggat may complaint.
Dagdag ni Domagoso, ibabalik niya ang sigla at kaayusan ng Maynila partikular ang mga tambak ng basura sa iba’t ibang lugar.
- Latest